Patay on the spot ang isang 24 year old na lalaki matapos na gilitan ito sa leeg ng mismong pinsan nito sa Baryo Sagcungan bayan ng President Roxas, sa North Cotabato.

Base sa tala ng kapulisan, kinilala nito ang biktima na si Arnel Barerra habang ang suspek naman ay kinilalang si John Gilbert Magbanua.

Misunderstanding o di pagkakaunawan aniya sa alagang manok ang dahilan upang gilitan ni Magbanua sa leeg ang pinsan nitong si Barerra.

Agad naman na tumakas ang suspek habang feeling shocked parin ang kani-kanilang mga pamilya dahil nagawa ng suspek na gilitan sa leeg at patayin ang sarili nitong pinsan.

Photo for illustration purposes only.