Patay on the spot ang isang lalaki matapos ito na tambangan ng di pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Barangay Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao del Sur bandang alas 11:00 ng umaga kahapon
Kinilala ng kapulisan ang nasawing magsasaka na si Baranda Kuta Abiden na residente din sa lugar.
Sa ulat ng kapulisan, binabaybay ng biktima gamit ang motorsiklo ng tambangan ito ng isang riding in tandem sabay takas.
Tama ng bala sa bahagi ng mukha ang agad na ikinasawi ng biktima.
Samantala, rido ang pangunahing motibo ng naturang pananambang at kasalukuyang nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang kapulisan upang matukoy ang suspek.