Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Brar, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Biyernes, Hunyo 13, 2025.

Kinilala ang biktima na si Datu Ali Makakua, residente ng Sitio Pendaliday sa naturang bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng isang payong-payong o tricycle si Makakua nang bigla siyang sundan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo. Hindi nag-atubiling pinaputukan ang biktima at agad itong nasawi sa lugar sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga salarin at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaril. Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang mga pulis upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa krimen.