Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Ninol, Barangay Lasangan, bayan ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur kahapon, Hulyo 16, bandang alas-2:30 ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Bori Sampulna, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Pidtigan sa naturang bayan. Ayon sa paunang imbestigasyon, pauwi na umano si Sampulna nang bigla itong lapitan ng suspek at pinaputukan ng sunod-sunod.
Dahil sa tinamong mga tama ng bala, agad binawian ng buhay ang biktima sa pinangyarihan ng insidente.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng suspek at alamin ang motibo sa likod ng pamamaslang.