Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Kayupo, Pandag, Maguindanao del Sur, pasado alas-dos ng hapon ngayong Abril 28, 2025.
Kinilala ang biktima na si Datu Junior, residente ng Barangay Tual, Paglat.
Ayon sa imbestigasyon, minamaneho nito ang kanyang kulay berdeng tricycle nang dikitan at pagbabarilin gamit ang Caliber .45 ng mga suspek.
Naisugod pa sa Buluan District Hospital ang biktima ngunit idineklarang patay pagdating doon.
Napag-alaman din na kasapi umano si Datu Junior sa Political Committee ng Moro Islamic Liberation Front batay sa kanyang ID.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.