Patay ang isang lalaki matapos itong barilin habang minamaneho nito ang kanyang motorsiklo alas sais ng gabi kagabi, Enero 6 sa KM 30, Barangay Kibleg, Upi, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang kaawa-awang biktima na si Edwin Valdez, 42-anyos at taga Barangay Nuro, Upi.
Tinambangan ito ng mga di pa tukoy na suspek habang minamaneho nito ang sarili nitong motor. Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya maging ng mga malalapit sa nasabing biktima na si Valdez.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo ng insidente.