Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos paluin ng matigas na bagay, na pinaniniwalaang isang bara, ng kanyang kainuman sa Sitio Glandang, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato, bandang 9:00 ng gabi kagabi.

Ayon sa mga awtoridad, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa isang boarding house malapit sa isang farm nang magkasunod na malasing at magkaalitan. Sa kabila ng kanilang hindi pagkakasunduan, lumala ang sitwasyon at nauwi sa pananakit ng suspek sa biktima.

Matapos ang insidente, humingi ng tulong ang suspek at inamin na binugbog niya ang biktima dahil sa matinding galit. Agad na rumesponde ang mga pulis at nang madatnan nila ang biktima, siya’y nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Kaagad na inaresto ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Tupi Municipal Police Station habang isinasagawa ang imbestigasyon.