Walang malay at sugatan na isinugod sa bahay pagamutan ang isang lalaki matapos na masangkot ito sa isang vehicular crash sa Crossing Muslim sa Bual sa bayan ng Tulunan, Cotabato. kagabi.

Sakay ito ng motorsiklo na Rusi na ang kulay ay may kombinasyon ng pula at puti.

Isinugod sa Father Tulio Favali District Hospital ang biktima kung saan stable na ang kalagayan nito.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima.