Final destination nang maituturing ni Johaire Enoc na taga Kanapia Subdivision sa lungsod ng Kidapawan ang kanyang biyahe matapos na masangkot ito sa banggaan ng mga motorsiklo.

Minamaneho ni Enoc ang kanyang Smash sa National Highway ng Malaang, Poblacion sa bayan ng Makilala Cotabato nang maganap ang trahedya.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng isang Justine Dave Abapo na taga Digos City at lulan ng isang Honda XRM ang rutang Makilala-Kidapawan habang nasa kabilang linya si Enoc at isang Joel Pascual na residente din ng Makilala, minamaneho ang kanyang Barako na motorsiklo.

Nang makarating sa area ay nag overtake si Abapo sa isang trak at pumunta ito sa kasalungat na linya at dito na niya nakasalubong si Enoc at Pascual na naging sanhi ng aksidente.

Isinugod sa ospital ang tatlo ngunit dead on arrival na ng maisugod si Enoc. Patuloy naman ng nagpapagaling ang dalawa sa bahay pagamutan.