Patay ang 27 anyos na lalaki matapos barilin ito sa bayan ng Tugunan sa SGA-BARMM kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Abdulwahab Payot na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan nito.
Nangyati ang pamamaril bandang alas sais ng umaga habang naglalakad ito nang pagsapit sa Crossing Belong ng nasabing bayan ay dito na ito pinaputukan hanggang sa mapuruhan.
Nagpapatuloy pa sa mga oras na ito ang imbestigasyon sa pangyayari.