Arestado ang isang lalaking tulak ng ipinag babawal na gamot ng BLGU Bulalo sa pangunguna ni Chairman Samsudin Madin sa bahagi ng Public Market, Purok River Side, Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, gabi nitong Lunes.

Kinilala ng Punong Barangay ang suspek na si Zainodin Casi, 51 anyos, hiwalay sa asawa, walang trabaho, residente ng Barangay Salimbao sa naturang bayan.

Nakumpiska sa suspek ang apat (4) na maliliit na pakete ng pinaniniwalaang droga at tinatayang may bigat ito na .18 grams na nagkakahalaga ng P1,224.00.

Samantala, agad namang na i turn-over ng BLGU Bulalo ang suspek sa Sultan Kudarat Municipal Police Station. Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng naturang suspek.