Pumanaw na ang isang lalaki na nagtamo ng tama ng bala matapos tambangan sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang biktima bilang si Datu Amir Jihad Onotan Usop, residente ng Nayon Shariff, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City, at nagtatrabaho sa provincial government ng Maguindanao del Norte.
Ayon sa inisyal na ulat, sakay si Usop ng isang itim na Toyota Hilux nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek noong Miyerkules, Nobyembre 12, bandang alas-3:20 ng hapon. Agad siyang dinala sa ospital at na-confine sa loob ng apat na araw bago binawian ng buhay noong Nobyembre 16 dahil sa mga tinamong tama ng bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Samantala, bumuhos ang pakikiramay mula sa pamilya, mga kakilala, at katrabaho ng biktima.

















