Naaresto ang isang lalaki sa Malagapas, Rosary Heights 10, Cotabato City matapos mahulihan ng ‘di lisensyadong baril sa isinagawang Oplan Tulongan at KapKap Bakal operation ng RMFB-14A at Police Station 2 nitong weekend.
Ayon kay PS2 Commander PMaj. Teofisto Ferrer Jr., nakilalang si alyas ‘Samanodie’, 23 anyos, self-employed, ang suspek.
Napansin ng mga pulis ang kanyang sling bag habang naglilinis ng motorsiklo, kaya agad itong ininspeksyon.
Nakuha sa kanya ang isang caliber .45 pistol, dalawang magazine, at 18 bala.
Dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento, inaresto siya at dinala sa istasyon.
Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa RA 10591 at COMELEC Gun Ban.