Isa nang malamig na bangkay ng matagpuan ang isang lalaki na naiulat na nawawala ng dalawang araw sa imburnal na malapit sa sementeryo sa Barangay Kibia, Matalam Cotabato kahapon ng hapon.
Positibong kinilala ng mga kaanak ang bangkay na si Edgar Besas y Valera alyas Didong, 52 na residente ng Barangay Marbel at nagtatrabaho bilang ahente ng mga hayop o namimili ng kalabaw at baka.
Natagpuan ang bangkay na nakagapos ang paa at kamay at nakalublob sa tubigan ng imburnal ang katawan ni Didong.
Ayon sa kaanak ni Didong, lunes ng magpaalam ito upang pumunta sa kliente nito na nagbebenta ng kalabaw at baka ngunit magdadalawang araw na itong di nakakauwi hanggang sa naganap na ang malagim na kamatayan ng biktima.
Naulila naman ni Didong ang asawa at tatlo nitong anak. Sa ngayon, nagsasagawa ng imbestigasyon ang Matalam PNP sa insidente.