Tuluyan na ngang pinusasan ang isang lalake matapos naglakas loob kumuha ng police clearance sa Cotabato City Police Station 2 habang ito ay may nakabinbing pang kaso.

Kinilala ng Police Station 2 ang akusado na si alyas “Baks”, 36 anyos, residente ng Brgy. Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte

Lumabas sa database ng kapulisan na sinampahan ng kaso ang akusado sa NCR na may kinalaman sa RA 9003 o Ecological Waste Management Act of 2000.