Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Sinsuat Avenue, Mother Barangay Rosary Heights ngayong araw.
Kinilala ni Police Station 2 Commander, PMaj Teofisto “Jun” Ferrer, Jr., ang suspek na si Arjay Pagal Dalimbang, 23-anyos, residente ng Barangay Poblacion 2, Cotabato City.
Ayon kay Ferrer, may nakabinbing kaso si Dalimbang kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at itinuturing siyang High Value Target o HVT.
Ang warrant of arrest ay inilabas ng National Capital Judicial Region, Branch 70, Taguig City noong Hunyo 7, 2023, sa bisa ng kautusan ni Judge Bernard Pineda Bernal.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Police Station 2 ang suspek at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng warrant laban sa kanya.