Di na nakaabot pang buhay ang isang lalaki sa bahay pagamutan matapos itong walang awang barilin ng di pa nababatid na salarin sa bahagi ng San Isidro Corner del Cano Street sa Barangay RH10 sa lungsod ng Cotabato.
Naganap ang insidente ngayong alas 9 ng umaga sa tapat mismo ng opisina ng Ministry of Indigenous Peoples Affair o MIPA.
Kinilala ng kumpirmasyon ng isa sa mga kaanak nito ang biktima na si Jun Quimba na residente ng bayan ng North Upi, Maguindanao Del Norte.
Ayon pa sa kaanak, kukuha lang ng sertipiko sa pagiging indigent ang biktima ng maganap ang insidente.
Nakatayo lamang daw ito ng lapitan ng riding in tabdem at walang awang pinagbababaril na nagresulta sa mga tama ng bala sa mukha.
Isinugod pa ito sa pagamutan ngunit dead on arrival na ito ng datnan ng attending physician.