Hindi na natagpuan pang buhay at isang malamig na bangkay na ang isang lalaki na naiulat na nawawala noon pang Enero 5, 2025.
Sa ulat, kinilala ang biktima na si Lahmudin Engcongan Minalang na residente ng Simsiman, Pahammudin, SGA-BARMM.
Huling nakapiling ng mga kaanak nito ang biktima noong Enero 5 kung saan nagpaalam pa ito sa kanila na pupunta itong Marogong at Malabang sa Lanao del Sur para magbenta ng isda ngunit hindi na ito nakabalik simula pa noon.
Makalipas ang ilang araw, natagpuan nang walang buhay ang biktima sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur habang nawawala naman ang motor nito.
Ayon sa mga kaanak posibleng pinahirapan muna ang biktima bago binaril at pinatay ng mga suspek bago tangayin ang motor at pera nito.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa kahila-hilakbot na krimen at upang makilala ang mga suspetsado sa pagkamatay ng pobreng vendor ng isda.