Patuloy parin ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng isang lalaking natagpuang patay sa gilid ng National Highway, partikular sa Purok Masinulondon, Barangay Bagontapay, M’lang, Cotabato.
Ayon sa imbestigasyon ng M’lang Municipal Police Station, natagpuang nakagapos ang mga kamay at mga paa ng biktima gamit ang alambre.
Pinaniniwalaang pinatay ang lalaki matapos makaranas ng mga sugat sa kanyang dibdib.
Ipinapalagay ng mga awtoridad na iniwan ang biktima sa naturang lugar matapos itong patayin, na nagmumungkahi na maaaring patay na ang lalaki bago pa ito itinapon sa highway.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga detalye ukol sa kanyang pinagmulan upang maiparating ito sa kanyang pamilya.