Isang lalaki na nakamotorsiklo ang patay ng di pa tukoy na gunman kahapon ng hapon sa bahagi ng Purok Two Lovers, Barangay Saadan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Garick Paul Sinco Sr, residente ng Poblacion 3 ng nabanggit na bayan. Nakarinig lang ang mga nandoon sa lugar ng sunod-sunod na putok ng baril at ng kanilang tignan ay nakita na lang nila na nakatimbuwang na ang isang motor habang duguan naman ang biktima na humihingi ng tulong na madala sya sa ospital ngunit binawian din ng buhay si Sinco.

Patuloy naman ngayong inaalam ng PNP ang nasa likod ng pamamaslang na ayon sa ulat ay gumamit pa ng mataas na kalibre ng long firearm at sakay ng isang 4 wheels na sasakyan.