Di na nakapalag pa ang isang lalaki na humihithit ng tinaguriang “good item” na iligal na droga matapos itong maaktuhan ng mga Barangay Officials sa bahagi ng Purok Santan, Kimpo Street sa Barangay RH 13, lungsod ng Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Al Jabbar Latip, 24, may kabiyak, isang trabahante at residente sa nasabing komunidad. Narekober sa suspek ang isang improvised glasstube toother na may bakas pa ng shabu at dalawang lighter.

Naiturnover na ng Barangay sa Police Station 2 ang suspek para kaharapin ang iskandalong kinasasangkutan nito.