Patay na ng matagpuan ang isang lalaki na pinaniniwalaang naaksidente muna sa Baryo Abaga sa bayan ng Libungan Cotabato. Sa impormasyon na naitala, kinilala ang nasawi na si Jeffrey Faunillan y Lachica, may alyas na Janjan, 33 anyos at residente sa bayan ng Midsayap.

Lumalabas sa imbestigasyong pauwi na ang biktima sa pinuntahan nitong kasiyahan kasama ang mga kaibigan nito sakay ng motor ng maaksidente ito pagsapit sa isang irrigation canal sa naturang lugar.

Marahil aniya ay namatay ito sa pagkakauntog ng ulo sa semento. Iniimbestigahan pa ng pulis ang tunay na dahilan sa pangyayari.