Patay na sa pagkalunod ng matagpuan kahapon ng mga residente ang isang lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa dako ng Libungan River sa Libungan, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Gilbert Cardoza na taga Sitio Labaja, Poblacion sa nasabi ring bayan. Isa ito umanong kasili hunter sa lugar ayon sa mga nakakita sa bangkay nito.
Disyembre 31, 2024 pa diumano naiulat ang pagkalunod ng biktima pero kahapon, Enero 1, 2025 nakita ang bangkay nito.
Labis naman ang hinagpis ng mga kaanak ng nasabing biktima na si Cardoza. Inaalam pa rin ng mga may kapangyarihan ang sanhi ng pagkadisgrasya nito.