Sa oblo ang bagsak ng isang lalaking tulak matapos na caught in the act itong nagbebenta ng iligal na droga sa isang buy-bust operations ng Cotabato City Police Station 3 kahapon ng hapon sa Purok Pagayao, MB Tamontaka nitong lungsod.

Ang suspek ay kinilala na si Pendatun Fermin Cabugatan alyas Pens, 38 at residente ng Barangay Rosary Heights sa lungsod. Nakumpiska sa suspek ang subject of sale na dalawang pakete ng iligal na shabu na may bigat na 0.3 gramo at nagkakahalaga ng P500.00.

Nabawi din dito ang boodle money na P500.00 bill. Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nasa kustodiya na ng kapulisan sa Estasyon 3 ang suspek.

Photo for illustration purposes only.