Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buybust operations sa MB Tamontaka sa siyudad ng Cotabato City ng Police Station 3.

Kinilala ni S3 Commander PLT. Rustan Deaño ang nahuling tulak na si alyas Mar, 24, may kabiyak at residente sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, nakumpiska dito ang apat na pakete ng suspetsadong shabu na nagkakahalaga ng P1,500 at ang buy bust money.

Kulong sa presinto ang nasabing suspek upang managot sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.