Parang eksena sa pelikula! Isang 37-anyos na lalaki ang nasagip ng Kawayan Municipal Police Station matapos matagpuang palutang-lutang sa dagat gamit lang ang kanyang ka-buddy na salbabida!
Noong Mayo 29, 2025, bandang alas-9 ng umaga, agad rumesponde sina PSSg Michael O. Rafael kasama ang Kawayan MDRRMO, sa utos ng kanilang hepe na si PMAJ Joet Micah O. Evangelista.
Ang ating bida, sinubukan umanong langoyin ang dagat papuntang Maripipi Island—dahil kapos sa pamasahe! Laban kung laban si kuya!
Pero buti na lang, hindi siya pinabayaan ng ating mga awtoridad. Dinala agad siya sa Kawayan Rural Health Unit para masuri, at bilang dagdag malasakit, binigyan pa siya ng pinansyal na tulong ng Kawayan PNP para makauwi nang ligtas.
Paalala lang: hindi lahat ng problema, kayang lutasin ng salbabida. Pero sa tulong ng mabilis na aksyon at malasakit, tiyak na may happy ending ang bawat kwento!