Umaabot sa 695,669 ang bilang ng rehistradong botante sa Lanao del Sur, na siyang pinakamalaki sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Kasabay nito, patuloy na hinihikayat ng Comelec ang mga mamamayan na makibahagi sa darating na Bangsamoro Parliamentary Elections sa pamamagitan ng kampanya ng edukasyon at impormasyon, na may temang “Isang Bangsamoro, Isang Boto. Together We Vote, Together We Rise.”

Ayon sa Comelec, ang mataas na bilang ng botante sa Lanao del Sur ay nagpapakita ng aktibong partisipasyon ng mga residente sa pagpapalakas ng demokratikong proseso sa rehiyon.

Source: COMELEC