GAGANAPIN ang huling provincial assembly ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa Jolo, Sulu sa araw ng Linggo (July 28, 2024) sa Notre Dame Jolo College (NDJC).

Dadaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga kasapi at kaalyado ng UBJP, pero bago pa man ang pagpupulong nagpaunlak ng courtesy visit sa opisina ni BARMM Chief Minister at UBJP President Ahod Balawag Ebrahim sa pamamagitan ng Office of the Secretary to the Party President sa Provincial Local Government Unit (PLGU) sina Sulu Provincial Chief Executive Officer Hadji Zesar Alil, UBJP Vice President for BaSulTa MP Matarul Estino, Vice Pres. for Zamboanga Peninsula Malik Caril.

Bilang paghahanda, nakipagpulong rin ang kinatawan ng partido sa pamunuan ng NDJC at mga Law Enforcement Agencies sa lungsod upang maayos na maisagawa ang nasabing assembly.

Inaasahan naman na dadagsain ang huling pagpupulong ng mga tagasuporta ng partido mula sa iba’t ibang parte ng rehiyong bangsamoro