Aabot sa sampu na mga lumabag sa batas ang naaresto ng kapulisan ng siyudad ng Cotabato sa loob ng isang linggong pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations sa lungsod.

Lima ang naaresto sa buybust, tatlo sa arrest warrant, isa sa iligal na armas habang isa naman ang search warrant. Aabot naman sa labing apat operasyon ang inilunsad ng PNP.

Samantala, P4.6 milyong piso ng iligal na droga kabilang na ang marijuana at shabu ang nakumpiska dahil sa mga operasyong ito.