Ipinahihinto sa pamamagitan ng Cease and Desist Order ng Legal Education Board o LEB ang pagaalok ng MSU Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ng law programs sa paaralan nito.
Sa pahayag ng LEB, hindi umano sumunod sa kanilang itinakdang standards at panuntunan ang mga Extensions Schools ng MSU dahilan upang ipatupad ang nasabing kautusan.
Setyembre taong 2023 ng atasan ng LEB Board ang MSU na magpaliwanag kung bakit kailangan pang maipagpatuloy ang kanilang Law Program at ang paggiit na walang hurisdiksyon ang LEB sa mga nasabing pamantasan.
Tumanggi din umanong sumunod ang MSU sa mga polisiya at panuntunan ng isang Legal Education Institution.
Nitong nakaraang Hunyo, nagkasundo ang dalawang panig na status quo o pag-usapan muna ang isyu sa hurisdiksyon ng LEB sa MSU pero nilabag umano ito ng MSU at patuloy pang tumatanggap ng mga aplikante sa College of Law.
Nauna nang nanindigan ang Pamantasan na magpapatuloy ang operasyon ng kanilang programa kasabay ng paggiit na walang hurisdiksyon o sakop sa kanilang kolehiyo ang LEB.