Wag na mag-alala ang mga Kabombo at Kastarnation nating NBSB o NGSB at mga nabugnot na sa kakahantay ng kanilang the one.

Viral at talk of the town kasi ngayon ang isang lawa sa South Cotabato na nagtataglay ng mahiwagang bato na ayon sa mga nandoon, pag hinalikan ng isang single boy o girl, nagkakaroon ng instant jowa.

Photo courtesy | Yumi Navarro Saguiguit

Ito ay sa Lake Holon sa nabanggit na bayan.

Viral ito dahil ayon sa inisyal na pagtatala ay umaabot sa 97% na mga kalalakihan at kababaihan ang nabigyan ng kanilang pinakainaasam-asam at pinakaminamahal sa buhay na jowa matapos humalik sa tinaguriang makapangyarihang bato ng Lawa ng Holon.

Ayon naman sa mga nandoon na nasa tribo, ang kissing stone ang pinakapatok na pinapasyalan ng mga desperado o gustong gusto na magkaroon ng iniibig sa buhay.

Kaya sa mga kaBombo natin at Kastarnation, alam nyo na! Tiyaga tiyagain nyo lang at enjoyin ang pagpunta sa Lawa ng Holon para makamit ninyo ang tinatawag na instant grant ng tadhana at ito ay inyong pagkakaroon ng Jowa.