Upang mapayabong pa ang kaalaman ng mga kabataan patungkol sa pagiwas sa ipinagbabawal na gamot at iba pa, nagsagawa ng isang lecture o talakayan ang Cotabato City Police sa pangunguna ni PCpl Shaina Salik na CAD PNCO sa isang paaralan sa lungsod ng Cotabato.
All ears na nakikinig ang mga estudyante at tinalakay ni PCPL Salik ang kasamaang idinudulot ng iligal na droga sa katawan, ang kampanya laban dito at ang batas na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinalakay din sa nasabing lecture ang E0 70 na bumubuo sa NTF-ELCAC at ang RA 11313 o ang Safe Spaces Bawal Bastos Law.
Sa huli, hinimok ng Cotabato PNP ang mga nakinig na maging aktibong katuwamg sa paglaban sa kriminalidad at iba pang mga iligal na aktibidades.