Pormal nang magsisimula ang pagtatayo ng bagong gusali na nauukol para sa Sangguniang Panglungsod ng Cotabato matapos na isagawa ang groundbreaking ceremonies nito kahapon, Pebrero 1.
Ang gusali na nakatakdang itayo ay matatagpuan sa loob ng Cotabato City Government Center na nasa dako ng Barangay Rosary Heights 10.
Saksi sa nasabing seremonya ang mga pangunahing opisyales ng BARMM kabilang na si BARMM Interim Chief Minister, Cotabato City Mayor at naging dating konsehal Bruce Matabalao at si City Vice Mayor at Presiding Officer Sultan Johair Madag kasama ang konsehales ng lungsod at iba pang mga panauhin.
Sa talumpati ni Mayor Matabalao tiniyak nito na sinisiguro ng City LGU na ang itatayo na gusali ay magiging simboliko at isa sa pinakamaganda at modernong gusali ng Sanggunian sa buong rehiyon.

















