Kinundena ng LGU- Shariff Aguak ang nangyaring kaguluhan kahapon ng umaga sa gate ng Shariff Aguak Municipal Hall sa pagitan ng dalawang grupo ng mga tagasuporta ng mga kandidato na ikinasawi ng isang BPAT member at ikinasugat ng anim na katao na isa ay pulis at isa ay empleyado ng pamahalaang bayan.
Ayon kay Mayor Datu Akmad Ampatuan, nagdulot ng takot at pangamba sa mga kawani ng LGU at mga residente sa paligid ang komosyon maging ang pagkaantala ng daloy ng trapiko sa lugar hindi daw ito ang inaasahan ni Mayor Ampatuan sa mga tagasunod ng kandidato na may mga kakitiran ng utak at di alintana ang kapakanan at panganib nito sa kapwa tao.
Humihingi ngayon ng taos pusong paumanhin ang alkalde sa tinawag nya na pangyayaring di maiiwasan at iginiit nito na di sya salungat sa naisin ng gobyerno para sa sambayanan.