Inaasahang higit sa 60,000 na mga magsasaka ng Bangsamoro Region ang makakabenepisyo sa Regional Crop Protection Center. Ang gusali ay kaloob ng DA Bureau of Plant Industry sa Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR-BARMM at tinayo sa Integrated Agriculture Research Center sa Simuay, bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.
Sa naging hand over ceremony, sinabi ni MAFAR COS Arphia Ebus na kumatawan kay MAFAR Minister Mohammad Yacob na sinisimbulo ng naturang gusali ang patuloy na pagpapalinang at pagpapaunlad ng agrikultura sa rehiyon.
Pinasalamatan din nito ang DA sa nasabing proyekto at sinabing isa sa hakbang patungo sa pagunlad ng agrikultural na sektor sa rehiyon ang mga ganitong uri ng proyekto. Sa mga nakalipas na panahon, naging sentro din ng peste o pest outbreak ang rehiyon dahil sa mga mapaminsalang insekto at sakit na nakakaapekto sa produksyon ng agrikultura at mababang kita ng mga maguuma.
Hinikayat din ng MAFAR ang mga maguuma sa rehiyom na gamitin ang handog na serbisyo ng Crop Protection Center.