Nagsagawa ng libreng bulog o Artificial Insemination (AI) at Animal Health Services ang opisina ng Provincial Veterinarian, Maguindanao del Norte sa bayan ng Northern Kabuntalan.
Layunin ng naturang programang pangkalusugan sa mga hayop na matiyak ang over-all wellness ng mga ito na syang katuwang ng mga magsasaka sa kanilang paghahanap buhay.
Sa pamamagitan din ng programa, inaasahan ding magiging produktibo ang mga ito sa hinaharap. Naglilibot ang MDN OPVET at DA PCC sa mga bayan sa lalawigan upang mailigtas sa mga nakaambang sakit ang mga alagang hayop na alaga ng mga nasa kabayanan.
Ang libreng programa ay nagumpisa nito lamang Agosto 26 at tatagal hanggang katapusan ng buwan sa ilalim ng kautusan ni Gov. Abdulraof Macacaua sa inisyatiba ni Mayor Datu Ramil Dilangalen ng bayan ng Northern Kabuntalan.