Suportado ng League of the Bangsamoro Organizations o LBO ang pagtatag ng lalawigan ng Kutawato base sa panukala na nasa senado bilang 2875.

Ayon sa panukala, nilalayon nito na magtatag ng natatanging entity ng pamahakaan at pangasiwaan sa loob ng BARMM na binubuo ng 63 barangay mula sa mga bayan ng Kabacan, Midsayap, Carmen, Pigcawayan, Aleosan at Pikit sa North Cotabato.

Ang paglikha aniya sa nasabing lalawigan ay makakatulong ng lubusan sa pagpapabuti ng pamamahala at paglilingkuran ay pagpapalakas ng mga representadyon ng mga residente maging ang pagpapayabong ng ekonomiya sa rehiyon.

Isa rin aniya sa tutok ng LBO na maging hakbang ang panukala upang tunguhin ng rehiyon ang isang mapayapa, progresibonat forward thinking na mamamayan nito.