Hindi naging masaya ang ending ng love story ng isang Pinay at mister niyang banyaga na una niyang nakilala sa isang dating app. Nauwi man sa kasalan ang kanilang online na pag-uusap, agad din itong nauwi sa hiwalayan matapos lamang ang tatlong buwan ng pagsasama.

Ayon sa Pinay, isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang kawalan ng personal hygiene ng kanyang asawa—hindi raw ito madalas maligo at magsipilyo, at madalas pang nagagalit kapag pinagsasabihan.

Dagdag pa niya, mainitin din daw ang ulo ng lalaki. Ilang beses na siyang pinagalitan sa publiko, at minsan pa raw ay pinunit ang kanilang marriage certificate.

Dahil sa sunod-sunod na toxic na ugali, pinili ng Pinay na wakasan ang relasyon para sa ikabubuti ng kanyang anak at pamilya.

Samantala, tinulungan ng programa ni Raffy Tulfo ang banyagang lalaki na makauwi sa India. Nangako naman ito na magbabago na siya—at maliligo na raw palagi.