Pinangunahan ni Ministry of Human Settlement and Development Bangsamoro DG Ustadz Esmael Ebrahim ang pagpapasinaya sa 50 resettlement housing project sa Kampo Darapanan sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao Del Norte, kahapon.
Ayon kay DG Ebrahim, mahigit walongdaan libong piso ang ginastos sa bawat bahay na itatayo.
Iginiit ni DG Ebrahim na ang nasabing mga pabahay sa kampo ay para sa mga Mujahideen na dating mandirigma ng MILF noong panahon ng pakikibaka sa nayon.
Sinabi rin ni DG Ebrahim na anim na major camps ng MILF ay makakatanggap ng tig 100 at inaasahang masusundan pa ito.