Idinowngrade ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa magnitude 6.0 mula sa naunang magnitude 6.2 ang lindol na yumanig sa General Luna, Surigao del Norte kaninang alas-7:03 ng umaga, Oktubre 17.
Batay sa ulat ng ahensya, may lalim itong 28 kilometro.
Naitala ang Intensity V sa Basilisa, Cagdianao, Dinagat, at San Jose sa Dinagat Islands, at sa Claver, Surigao del Norte.
Intensity IV naman sa ilang bayan ng Southern Leyte, Butuan City, at Surigao City.
Intensity III hanggang II ang naramdaman sa Leyte, Bukidnon, Cagayan de Oro, at Davao de Oro.
Sa instrumental intensities, naitala ang Intensity IV sa ilang bayan ng Southern Leyte, Butuan City, Cabadbaran City, at Surigao City.
Intensity III sa ilang bahagi ng Leyte, Intensity II sa San Juan, Southern Leyte, at Intensity I sa Leyte, Cagayan de Oro City, at Davao City.
Wala namang naiulat na pinsala o inaasahang aftershock, ngunit pinayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.