Inaresto ng mga awtoridad sa Chiba Prefecture, Japan ang isang 51-anyos na streamer na kilala bilang si “Zokkunzokkun” matapos mag-ikot sa isang residential area na may suot na panty sa kanyang mukha.
Layunin umano ng lalaki na makakuha ng mas maraming viewers sa kanyang online livestream, ngunit nauwi ito sa kanyang pagkakaaresto at pagkondena ng publiko.
Naganap ang insidente sa lungsod ng Ichikawa.
Naka-gym uniform si Zokkunzokkun na kulay puti, may pulang bloomers, at may kulay rosas na underwear na nakatakip sa kanyang ilong at bibig.
Ipinakita niya ito nang live habang naglalakad sa paligid ng mga bahay.
Dahil dito, maraming residente at online viewers ang nag-report sa kanya sa pulisya at agad naman siyang naaresto.
Inamin niya na ginawa niya ito upang madagdagan ang viewers ng kanyang channel na may higit sa 5,000 followers.
May ilan namang nagtanong kung bakit siya kailangang arestuhin.
Giit naman ng Chiba Prefecture na ipinatutupad lamang nila ang nuisance prevention ordinance upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad at maiwasan ang mga hindi disente o nakagugulat na gawaing lantad sa publiko.