Kinumpirma na ng aktres na si Liza Soberano ang matagal nang usap-usapan na hiwalayan nila ng aktor na si Enrique Gil. Sa panayam niya sa Can I Come In? series ni Sarah Bahbah sa YouTube, inamin ni Liza na halos tatlong taon na silang hiwalay ni Enrique.
Ayon sa kanya, nagpasya silang gawing pribado ang breakup matapos hilingin ni Enrique na huwag muna itong ipaalam sa publiko, dahil pareho nilang ayaw tanggapin ang nangyari noon. Inamin din ni Liza na isang taon bago tuluyang maghiwalay, nararamdaman na niyang hindi na siya masaya sa relasyon.
Matapos ang halos walong taon na magkasama, inaasahan niyang mauuwi sila sa kasal, ngunit napagtanto niyang kailangan niyang hanapin ang sarili at magpatuloy sa personal na pag-unlad. Nilinaw niyang walang ginawang masama si Enrique at nananatili silang magkaibigan.
Nagsimula ang relasyon ng LizQuen noong 2014 at naging opisyal noong 2019. Sa kabila ng breakup, patuloy pa rin silang nag-uusap at sumusuporta sa isa’t isa.