Isang malagim na krimen ang naganap sa Purok Lumboy, Brgy. Panangban, lungsod sa Compostela, Cebu matapos brutal na paslangin ang isang lola at ang kanyang limang taong gulang na apo.

Ayon sa ulat, ang suspek, na umano’y nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot, ay walang awa umanong gumamit ng martilyo at itak upang tapusin ang buhay ng mga biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang buong motibo sa likod ng karumal-dumal na insidente.

Samantala, labis ang dalamhati ng mga kaanak ng mga biktima, habang nananawagan ng hustisya ang buong komunidad.