Sinusundan ng kapulisan sa lungsod ng Cotabato ang motibong Love Triangle hinggil sa naging pagbaril-patay sa isang babae sa Purok Ibrahim, Barangay Kakar, Poblacion 8 ng lungsod Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ng Cotabato City Police Station 2 ang napatay na si Norhaya Samo Eto, 37-anyos, isang tomboy at residente ng nabanggit na lugar.
Sa ulat na nakarating sa pulisya, 7:10 ng umaga kahapon naganap ang pamamaril kung saan minamaneho ni Eto ang XRM na motorsiklo nito at ng sumapit sa lugar ay walang kaaba-abang binaril ito ng mga riding in tandem suspects.
Agad na namatay si Eto dahil sa tama ng bala sa likurang tenga at likod nito habang narekubre naman sa pinangyarihan ng pagpaslang ang apat na basyo ng bala na galing diumano sa kalibre 9MM na baril.
Samantala, may tukoy nang persons of interest ang pulisya sa insidente habang patuloy pa rin sa pagiimbestiga ang mga otoridad.