Tumaas na ang tsansa ng Low Pressure Area na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na tuluyang maging ganap na bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,315 km east ng Eastern Visayas. Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa bansa, ngunit inaasahan na puwede na itong makaapekto sa ilang bahagi ng bansa habang patuloy itong lumalakas at papalapit sa kalupaan.
Kung sakaling maging ganap na bagyo, ito ay papangalanang Bagyong Caloy, at ito ang magiging ikatlong bagyong tatama sa bansa ngayong season.
Sa BARMM Region, inaasahan ang maulap na kalangitan na may paminsang pag-ulan at kulog-kidlat dahil sa trough o ekstensyon ng Low Pressure Area (LPA). Posibleng magdulot ito ng flash floods o landslides, lalo na sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang paminsang malakas na pag-ulan.
Patuloy na magbabantay ang PAGASA at ipapaabot sa publiko ang mga updates upang makapaghanda sa anumang posibleng epekto ng bagyo.
















