Isang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA matapos itong mamataan kaninang alas-3:00 ng madaling araw sa silangan ng Casiguran, Aurora at malapit din sa bahagi ng Isabela.

Habang wala pa itong direktang epekto sa bansa, patuloy namang nararanasan sa Mindanao ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Samantala, isang Tropical Depression din ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility. Bagama’t malayo pa ito sa lupaing Pilipino, taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras at bugso na aabot sa 70 kilometro kada oras, habang kumikilos ito pa-hilagang kanluran.

Taya ng Panahon sa BARMM:
Inaasahang magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan sa buong rehiyon, na may posibilidad ng mga panaka-nakang pag-ulan o pagkulog-pagkidlat bunsod ng Habagat. Maging alerto sa banta ng pagbaha o landslide lalo na kung may matitinding thunderstorm.