Nakakaranas ng maulap ang kalangitan sa BARMM at ilang bahagi ng Mindanao ngayong araw dahil sa trough o ekstensyon ng Low Pressure Area (LPA) na kasalukuyang nakakaapekto sa rehiyon.

Ayon sa forecast, inaasahang magkakaroon ng kalat-kalat na mga pag-ula at kulog-kidlat, na may posibilidad na magdulot ng pansamantalang pagbaha o landslide sa ilang lugar dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga nakatira sa mababang lugar at kabundukan, na maging maingat at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon.

Ang nasabing LPA ay huling namataan sa layong 1,470 kilometro silangan ng Northern Mindanao, at patuloy ang pagbabantay ng mga eksperto sa paggalaw nito.