Kinikilala na ng Land Transportation Office – National ang mga dokumento na nagmumula sa Bangsamoro Land Transportation Office o BLTO ng rehiyon.
Sa opisyal na pahayag ng BLTO, kabilang na sa mga kinikilala ng LTO National na dokumento ng BLTO ay ang mga drivers license, Official Receipt maging Certificate of Registration o ang tinatawag na OR/CR ng mga behikolo at iba pang transaksyon.
Layunin ng naging pahayag ng BLTO ang pagaalis ng duda at kalituhan sa mga motorista na galing pa sa BARMM Region. Dahil dito, hinihikayat naman ng ahensya ang mga motorista na magtanong sa mga lehitimong tauhan ng LTO at BLTO kung may mga katanungan o klaripikasyon sa kanilang mga hawak na dokumento upang maiwasan ang mga aberya sa kalsada o sa transaksyon.