Isang madre na nanatili ng (8) walong taon sa kumbento ang gumawa ng nakakagulat at kontrobersyal na desisyon.

Si Yudi Pineda, mula sa Antioquia, Colombia, ay minsang nangarap na maging madre.

Sa edad na 10, pumasok siya sa kumbento upang tuparin ang kanyang bokasyon.

Ngunit isang araw, nahulog ang kanyang loob sa isang religious teacher, dahilan upang iwan niya ang kanyang buhay bilang madre.

Pagkatapos nito, nagtrabaho siya sa isang kumpanya kung saan nakilala niya ang isang lalaking nagre-recruit ng mga modelo para sa adult webcam portal.

Nag-apply si Pineda, pumasa, at dito nagsimula ang kanyang karera sa porn industry.

Ayon kay Pineda, noong una ay nahihiya pa siya sa kanyang ginagawa, ngunit kalaunan ay nasanay na rin siya.

Sa kabila ng kanyang trabaho bilang porn star, hindi pa rin siya nakakalimot magsimba tuwing linggo at magdasal.

Ang kwento ni Pineda ay nagdala ng diskusyon at pagninilay tungkol sa desisyon, bokasyon, at moralidad.