Sa gitna ng matinding dalamhati ng pamilya at mga kaibigan, nailibing na sa Marian Hills Memorial Park, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sina Dwight Tiu Jr., ang kanyang misis na si Cristina, at panganay nilang anak na si Dana.
Matatandaan na ang tatlo ay nasawi matapos mabangga ng isang kotse ang kanilang motorsiklo sa tapat ng Catholic Cemetery, Rosary Heights 2, madaling-araw ng Agosto 23.
Pauwi na sana sila matapos sunduin si Dana mula sa trabaho sa isang mall nang mangyari ang aksidente.
Naiwan ng mag-asawa ang pito (7) pa nilang anak na ngayo’y patuloy na umaasa ng katarungan para sa kanilang mga magulang at kapatid.
Samantala, hawak na ng pulisya ang suspek na si Samsudin na residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.